Respuesta :
Nakatulong ang mga kumpanyang multinational, transnational at outsourcing ay makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Nakadagdag ito sa pagunlad ng ekonomiya lalo na sa Gross Domestic Product at lalo na ang nadadagdagan pa ang mga negosyo at trabaho ng mga mamamayan.
Hindi nakatulong ang mga multinational, transnational corporation at outsourcing sa pag unlad ng bansa.
Karagdagang Paliwanag
Multinational Companies (MNCs) ay ang mga kompanya na namumuhunan sa ibang bansa na ang nag mamayari ay dayuhan. Ang produkto na kanilang ipinagbibili ay hindi nakabatay sa lokal na pangangailangan ng pamilihan.
Halimbawa: Unilever, Coca-Cola, Toyota
Transnational Companies (TNCs) ay ang mga kompanya na namumuhunan sa ibang bansa na ang nag mamayari ay dayuhan. Ang produkto na kanilang ipinagbibili ay nakabatay sa lokal na pangangailangan ng pamilihan. Gayundin, binibigyan ng mga kumpanyang ito ng kalayaan ang mga namumuno sa mga kumpanya na nasa bansang ito na magdesisyon, magsaliksik, magbenta na ayon sa hinihingi ng kanilang lokal na pamilihan. Karaniwan sa mga ito ay ang mga kumpanya na may produktong petrolyo, IT firms at pharmaceutical.
Halimbawa: Shell, Glaxo-Smith Klein, Google, Accenture
Outsourcing ito ay ang pagkuha ng isang transnational company ng serbisyo mula sa ibang kumpanya na may kaukulang bayad na may layong mapagaan ang gawain sa transnational company.
Halimbawa: Google, Accenture
Hindi nakakatulong ang mga nasabing kumpanyang ito sa isang bansa sapagkat:
- Ang mga kumpanyang ito ay kadalasang interesado sa kita kapalit ng ikakabuti ng mga mamimili. Ang mga MNC at TNC ay may kapangyarihan na nanggagaling sa monopolyo kaya nagagawa nilang kumita ng labis. Bunga nito ay ang pagpataw nila ng mas mataas na presyo sa mamimili.
- Pag iwas sa buwis. Karamihan sa MNC at TNC ay nagtatayo ng kumpanya sa mga bansang may pinakamababang pagpataw ng buwis. Ito ay ginagamit nila na imbudo para magpalawig ng kita.
- Ang pag pagpapalawig ng produkto ng mga kumpanyang ito sa merkado ay nagpapahirap sa mga maliliit na lokal na kumpanya para umangat.
- Ang mga MNC, TNC at Outsourcing na kumpanya ay may kapangyarihan na nanggagaling sa monopolyo kaya nagagawa nilang magbigay ng mas mababang sweldo kumpara sa sweldo sa batayan ng mas mayayamang bansa.
Karagdagang Aralin
- Laissez-faire https://brainly.com/question/399104
- Global cities https://brainly.com/question/2842513
Susing Salita: Multinational Companies, Transnational Companies, Outsourcing, bansa