Respuesta :
Ang mga pangunahing tauhan sa Kwentong Ibong Adarna;
- Ibong Adarna
- Haring fernando
- Reyna Valeriana
- Don Pedro
- Don Diego
- Don Juan
Ibong Adarna
Ang ibong Adarna ay napakagandang Ibon na may makulay at mahabang balahibo. Matatagpuan itong nakadapo sa puno ng Piedras platas na nasa bundok ng Tabor. Ang ibon ay makapitong ulit na nagpapalit ng kulay ng balahibo sa tuwing umaawait. Nagdudulot ng panibagong buhay ang malamyos na tinig ng ibon.
Haring fernando
Si Don Fernando ang hari ng Berbanya. Kinikilala siya bilang isang haring makatwiran. Makatarungan ang kanyang pamumuno dahilan upang higit na umunlad ang kaharian.
Reyna Valeriana
Si Donya Valeriana ang reyna ng Berbanya. Ang taglay niyang kabutihan sa puso ang nagtulak kay Haring Fernando upang higit na maging makatarungan sa paghahari.
Don Pedro
Ang prinsipeng si Don Pedro ay magiting na mandirigma, may angking galing at talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona ngunit namamyani sa kabuktutan ng puso.
Don Diego
- Ang prinsipeng si Don Diego ay sunud-sunuran sa panganay na kapatid kaya nalilihis sa landas, mahina ang kanyang loob at natatalo sa kabuktutan ni Don Pedro.
Don Juan
Ang prinsipeng si Don Juan ay ang bunsong anak ng hari at reyna. Siya ang pinakanatatangi sa lahat dahil minana niya ang pagiging makatarungan at makatwiran ng ama.
=====================
#Hope it helps!
(ノ^_^)ノ[tex] [/tex]