TAYAHIN Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag o sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang. sa patlang kung ito ay nagsasaad ng mabuting gawain upang maiwasan ang pagkakaroon ng computer malware at iguhit ang kung hindi ito nararapat gawin. 1. Paglalagay ng lehitimong anti-virus software sa iyong kompyuter. 2. Panonood ng mga hindi kanais-nais o malalaswang videos sa internet. 3. Pagda-download ng mga kanta at palabas sa ilegal na website. 4. Pagpapanatiling updated ang iyong kompyuter at mga software. 5. Pagbubukas ng mensahe at larawan sa kahina-hinalang email.