Panuto: Sipiin ang mga sumusunod na pangungusap at lagyan ang bawat isa ng wastong dokumentasyon. Gamitin ang dalawang uri ng in-text na dokumentasyon sa paraang APA. Gumamit ng short bond paper.

1. Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2007

Ang Batas Komonwelt Blg. 579 na pinagtibay ng Kongreso ay nagpapahayag na ang Wikang Pambansang Pilipino ay isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.

2. Mula sa Komisyon sa Pagsulat sa Pilipinas, 2003

Ang suporta ng gobyerno at pribadong sektor sa komisyon ay napakalaking tulong lalo na sa larangan ng pagsulat.

3. Mula kay Cooney, 2008

Sa kabila ng kahinaan ng tula, mababanaag pa rin ang kalakasan ng proyekto sa mga huling bahagi ng suri. Dito natanto na maaari pa lang makaapekto ang isang reyalisasyon sa isang kritik na isinagawa sa mga buhay ng mga mambabasa nito.

4. Mula sa akdang Webster's New Biblical Dictionary, 1998

Inilarawan si William James bilang "American psychologist and philosopher". Ang paglalarawang ito ay napakalaking tulong upang tuluyang umangat ang karera niya.

5. Mula sa website ng Social Security Administration ng Gobyerno, 2010

"Kapag nahuli na umaabuso sa katungkulan ang isa ng empleyado ay papatawan siya nang nauukol na kaparusahan upang di pamarisan ng iba."

6. Sinabi ng McCullough sa Truman's Campaign, 2009

"No President in history had ever gone so far in quest of support from the people, or with less cause for the effort, to judge by informed opinion."

7. Mula sa akda nina Cassambre at Alcantara, 200 sa Santos, 2006

Walang makabuluhang kaibahan ang pag-unawa ng mga nakinig ng mensahe sa wikang Filipino at sa mga nakinig ng mensahe sa Ingles.

8. Mula sa akdang Kapag Pumula ang Tubig, 2001

Nagaganap ang red tide kapag biglaan at mabilisan ang pagdami o pagkapal ng bilang ng pagkaliliit na mga dinoflagellate.

9. Mula sa akda nina Bernales, Gabuya, Gonzales, Ledesma at Tuazon, 2001 May boom ngayon sa real estate bunga ng pagdami ng nag-i-invest dito.

10. Mula sa akda nina Atienza, et al., 1996, sa Bernales, et al., 2010