Panuto: Bigyan ng sariling interpretasyon ang ginawang aksyon ng tauhan batay sa pahayag na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. Gamiting gabay ang krayterya sa ibaba sa pagbibigay ng interpretasyon. 1. Nang marinig ng pulis ang kaniyang pagmamakaawa, at makita ang kaniyang ayos, umibig ito sa kaniya. 2. Nang malaman ng babae ang tungkol dito, agad siyang nagbihis nang pinakamaganda niyang damit at pumunta sa hepe ng pulisya. 3. Malaman ko lang kung magkano at babayaran ko.” Sumagot ang karpintero,” Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan. 4. Napagpasiyahan nilang magpakalayo-layo at lumipat ng siyudad. Gumayak sila at sumakay ng kamelyo. 5. Noong makalabas ang limang lalaki tinakpan nila ang kanilang mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng kapitbahay.